Monday, October 16, 2006

ang tatlong alibaba part 2

lumipas ang panahon na parang hindi. ah. ano raw? basta! lumipas ang panahon, tumanda na ang tatlong alibaba at nagkaroon na ng sari-sariling pamilya. guminhawa naman ang buhay ng ating mga bida. nakapagpatayo sila ng condo. (teka, sigurado ka, condo?) oo! condo nga. sila ang nag-imbento ng condo. basta! magkakapitbahay ang tatlong alibaba. si alibaba ay may tatlong anak na lalaki. at pinangalanan nya itong alibaba, alibaba, at alibaba. si alibaba at alibaba naman ay may tig-isang anak na babae, si ali at si baba. basta! isang araw, naimbitahan si alibaba na pumunta sa palasyo ng hari. pero nahihirapan na akong mag-isip. aalis na rin ako. kaya itutuloy na lang...

Wednesday, June 14, 2006

ang tatlong alibaba part 1

nung unang panahon, may tatlong alibaba. ang mga pangalan nila ay alibaba, alibaba at alibaba. nakitira sila sa isang munting kubo malapit sa ilog. ang ilog na ito ay tinatawag na kalum, na ang ibig sabihin ay 'oo.' ang tatlong alibabang ito ay nabubuhay sa pagtatanim ng palay na syang ibinebenta sa palengke malapit sa palasyo ng haring kuba. ngunit malupit ang haring kuba. hindi pinapayagan ang sinumang magbenta sa palengke kung hindi magbabayad ng napakalaking buwis. kaya maliit lamang ang kinikita ng tatlong alibaba sa pagbebenta ng kanilang palay. isang araw, may nakitang matandang babaeng bulag na nakahandusay sa daan si alibaba. dinala nya ang matandang babaeng bulag na nakahandusay sa daan sa kanilang bahay. tamang tama naman at pauwi galing sa pag-iigib ng tubig si alibaba nang makita nya si alibabang bitbit ang matandang babaeng bulag. 'saan mo sya nakita? anong nangyari sa kanya?' ang tanong ni alibaba kay alibaba habang inihiga nila ang matandang babaeng bulag sa kama. 'nakita ko sya nakahandusay sa daan' ang sagot ni alibaba. kakagigising lamang ng matandang babaeng bulag nang dumating si alibaba. binihisan nila at pinakain ang matandang babaeng bulag. 'salamat sa inyong kabutihan mga ginoo. hayaan nyo ako naman ang magbigay sa inyo. ito ay isang kwintas. at itong bato nito ay galing sa luha ng haribon. sana'y magbigay ito ng swerte sa inyo.' ang sabi ng matandang babaeng bulag. 'wag na lang po. ayos na po sa amin ang makita kang gumaling.' ang sabi ni alibaba. 'para sa inyo talaga yan. dahil mabuti ang inyong kalooban.' ang sabi ng matandang babaeng bulag. 'sige na nga.' ang sabi naman ni alibaba. at pagkasabi nya iyon ay nawala ang matanda. 'ayos sa special effects ah.' ang sabi ni alibaba. 'tungeks, magic yun.' ang sabi naman ni alibaba. 'hindi nyo ba naiintindihan, isa syang diwata at binigyan nya tayo ng agimat.' ang sabi ni alibaba. pero ang hindi nila nalalaman ay walang himala. (itutuloy...)

Sunday, October 09, 2005

kunwari seryoso

"walang mangyayari sa ating pagtahak sa landas ng pagkaingat, iiba ako ng daan." - jose rizal

i was meant for great things, but great things start, yeah yeah, from
small beginnings. like what that milo commercial tells us. but more
importantly, great things start from taking a risk. it is the first
step of the saga. afterall, if there are no risks involved, however
hard you try, everything you can do will just be plainly good.

i was meant for great things. and no, i will not live in my security
blanket any longer. things are getting too crowded in there anyway. i
may disappoint the great expectations everybody has been looking
forward to. but i have found a way to fly. there are no shortcuts, and
the journey will be tough but in the end, the trip is what makes it
worthwhile.

yes, i was meant for great things. and it is time for the black bird to
fly, however broken its wings may be.

Tuesday, September 27, 2005

The Man Who

lonely the man who weeps
the moon cries over the gentle breeze
a star shines dully it seems
lonely the man who weeps

lonely the man who cries
the winter fills the air with summer lies
a leaf blooms beautifully then dies
lonely the man who cries

lonely the man who frowns
the grasses wither to the shades of browns
a fish swims radically then drowns
lonely the man who frowns

lonely the man who sobs
his heart, broken, painfully throbs
a look upon the light the night robs
lonely the ma who sobs

lonely the man who sniffles
the cats take the half-eaten waffles
a mark against an unevitable downfall
lonely the man who sniffles

lonely the man who whimpers
the struggles continue with uncontrollable temper
a stone skips once more in the river
lonely the man who whimpers

lonely the man

Sunday, September 18, 2005

Ang Katotohanan

naglalakad ako kanina. dyan lang. malapit lang. baka nakita mo ako e. tapos nakita ko si manalo. yung pinsan ni antonino. yung nagtitinda ng tocino sa may pasamano. sabi nya, ' anak ng pusang kinalbo't kinatay at ginawang siopao. bakit ngayon ka lang?' nagulat ako kasi nakakagulat ang kanyang sinabi. hindi naman kami dapat magkikita nun. tinanong ko sya, 'kanina ka pa naghihintay?' sabi nya oo. tinanong ko kung bakit. ang sabi nya naman e kasi bibili raw ako sa kanya ng tocino. sabi ko, ' e anak naman ng tokwang binalot sa candy wrapper. ayoko ngang bumili.' sabi nya, 'bibili ka sa ayaw mo at sa gusto.' kaya bumili nga ako. sabi nya e. tapos anak ng kumag na chocolate, kulang yung sinukli nya sa akin. e di bumalik ako. kaso wala na ang gagong pusit. umalis na raw sabi nung ghostbuster na napadaan. wala na akong nagawa. naisip ko piso lang naman e hayaan ko na. syempers, pag dating sa bahay e niluto ko ang binili kong tocino. laking gulat ko nung kakainin ko na sya na lasa syang fried chicken! anak ng kulangot! nagoyo ako. parang nung kumain ako kina roger's, lasang inihaw na bangus yung fried chicken nila. bwisit talagang buhay 'to! tapos uulan pa. sabagay sabi nga ni murphy. di ko lang alam kung si eddie o si robocop. kaso eddie e si eddie gil yun. si robocop siguro. sabi nya, what can go wrong, will go wrong. 'di ko alam kung tama yun pero wrong e. baka mali. ewan ko. ang gulo. naguguluhan ka na no? haha. binasa mo kasi to e. ang haba haba binasa mo pa rin. yan ang napala mo. hehe.

aanhin pa ang kabayo?

tahimik. walang kibo ang karamihan habang nasasaksihan ang pagkamatay ng bida ng pelikula. isang normal na biyernas lamang sana iyon, pero iyun din ang unang araw ng pagpapalabas ng pelikula ng taon. nakatuon ang atensyon ng lahat sa palabas nang may umutot. matunog ang utot. malakas. rinig ng lahat. nagulat ang lahat at tila bumalik sa totoong mundo. hindi. bumalik nga talaga sila sa totoong mundo. mundong walang pakundangan. walang sinasanto. pero kailangang panoorin ang pelikula. gaano man kabaho ang utot. kailangang tiisin. dahil sa huli, masasanay din naman.

Wednesday, March 02, 2005

in love and war

it wouldn't take very long she said and i would very much like to kick her ass. i mean literally. i wasn't really in hurry for anything but for the love of Christ, i had been waiting for almost thirty minutes and still she seemed to think that she still had all the time in the world. women, i thought, how could they spend almost an hour taking a bath, half an hour picking a dress, and half an hour more putting it on?
and so finally, she came out looking more beautiful than when she came in but i really didn't care. i was too damn pissed off.
"are you angry?" she asked.
"no." i lied.
"i know you're angry," her voice was starting to get irritating.
"well, if you know i'm angry then why did you ask me?"
"ah, i can't believe were having this conversation!"
"well, you started it."
"yeah?"
"yeah!"
"whatever."
"whatever your face!"
"shut up."
"you shut up!"
and we really did shut up. for fifteen minutes we just stood near the car trying to look away from each other.
"oooh. hawakan mo nga sa ilong." said a drunk man as he pointed at my girl's face.
for some reason, i did. i did lay my finger on her nose, which was a bad idea. she stared at me, looking like a tiger waiting for the right time to bite my head off. then, suddenly she touched my nose. no one touches my nose. i knew right then that this was war.

Tuesday, March 01, 2005

this side up

magulo. hindi ko alam. ewan ko.

sabi nya kilala ko na kung sino ka, magulo eh. at sampung minuto akong nag-isip kung ano ang ibig sabihin nun. magulo nga siguro ako. sabi nila eh. marami na sila. siguro darami pa. malinaw naman sa akin ang lahat pero sa kung anong dahilan na hindi ko pa rin naiintindihan eh malabo para sa iba. ang labo ko. hindi ko na siguro maiintidihan kung bakit pero kung puro ewan ko sa 'yo, at ang labo mo talaga ang sinasabi nila eh siguro totoo yun. hindi ko alam kung baka dahil lang may inaasahan na silang dapat kong gawin o sabihin kaya hindi na nila naiintindihan kung ano 'yung gusto ko talagang ipakita. siguro. siguro hindi. naisip ko lang 'yun. pasintabi sa mga kumakain. o baka malabo lang siguro talaga ako.

ewan ko. hindi ko alam. magulo.